Ang aking Ama'y napakayaman Sa mga lupain at mga bahay; Sa mga pilak gintong makinang, Puno ang Kanyang mga kabang-yaman.
REFRAIN
Ako'y anak-Hari, anak ng Hari! Kasama ni Jesus, ako'y anak-Hari!
Sariling Anak ng aking Ama, Tagapagligtas ng mga may-sala Nagpakadukha sa gitna nila; Ngayo'y namamanhik naman Siya.
Minsan ako'y isang itinapon, Isang manlalakbay sa sala'y gumon! Nguni't ako'y kinupnop, inampong Taga-pagmana ng korona't mansiyon.
Bakit mag-aalala ako? Ako'y iginagawa ng palasyo! Na layo man ay aawit sa 'Yo: L'walhati sa Diyos, anak-Hari ako!